Metro Manila lumubog sa baha!
August 24, 2001 | 12:00am
Muli na namang lumubog sa tubig-baha ang malaking bahagi ng Metro Manila at ilang karatig lalawigan na nagpalala sa daloy ng trapiko at pagka-stranded ng libong pasahero, sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
Ito ang ipinalabas na ulat kahapon ng National Disaster Coordinating Center.
Ayon sa NDCC, partikular na sinalanta ng malawakang pagtaas ng tubig ang ilang bahagi ng Manila, Quezon City, Marikina, Pasig City, Mandaluyong City at ilan pang mababang lugar sa Metro Manila.
Bunga nito, nagpalabas ng ilang truck ang AFP at iba pang mga sasakyan tulad ng rubberboats na tumulong sa paghahatid ng mga na-stranded na pasahero sa kalakhang Maynila.
Dahil na rin dito,sinuspinde ng DECS ang klase sa lahat ng level sa mga paaralan sa Metro Manila.
Napilitan na ring magsara ang ilang establisimiyento sa ilang bahagi ng mga nabanggit na lugar bunga ng matumal na negosyo dahilan sa malawakang pagbaha.
Patuloy naman ang isinasagawang pagmomonitor ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa mga binahang lugar. (Ulat nina Joy Cantos at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest