Unang naganap ang sunog sa Marikina City na naitala dakong alas-8:17 ng umaga sa San Antonio Realty at Alps Cottage Industrial Corporation na nasa 24 Juan Luna, Tandang Sora St. Brgy. Parang, Marikina City. Sinasabing ang pabrika ay pag-aari ni Alfonso de Leon.
Base sa ulat, nagsimula ang sunog sa unang palapag ng gusali na dito nakaimbak ang mga pintura at iba pang kemikal na ginagamit sa paggawa ng seat cover ng mga sasakyan. Isang pagsabog ang narinig bago ang pagliliyab.
Tinatayang may P4 milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng sunog.
Samantala, tinataya namang aabot sa P15 milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na naganap sa isang paaralan sa Caloocan City.
Nagsimula ang sunog dakong ala-1 ng hapon sa isang reading room sa 3rd floor ng Macario B. Asistio High School na matatagpuan sa Kaunlaran Village sa nabanggit na lungsod.
Umabot sa Task Force Alpha ang naganap na sunog. Isang estudyante ang isinugod sa pagamutan matapos na masuffocate sa naganap na sunog. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)