Karnaper patay sa shootout
August 23, 2001 | 12:00am
Isa sa dalawang hinihinalang karnaper ang iniulat na nasawi matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng CPD, habang naaresto naman ang isa pang babae na sinasabing kasamahan ng mga suspect sa kanilang operasyon sa Galas, Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din ang isa sa mga suspect na nakilalang si Francisco Ecat, dating empleyado ng Task Force Clean and Green ng Quezon City Hall, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa batok nito at likuran.
Samantalang pansamantalang pinigil ang isa sa pasahero na nakilalang si Merly Balsamo, 38, ng Welfareville Corp., Mandaluyong City na hinihinalang kasabwat ng mga suspect sa panghoholdap sa taxi driver na si Mario Dionisio ng Padrino Taxi.
Samantalang isa pa sa mga suspect ang nagawang makatakas.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa 8th St. Doña Juana sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga tauhan ng pulisya nang mamataan ang nabanggit na taxi na sinasakyan ng mga suspect na may kahina-hinalang kilos sa may Hemady St., Brgy. Mariana, Quezon City.
Sinundan ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa huminto ang sasakyan ng huli sa isang madilim na bahagi ng Gilmore St.
Nang sisitahin na ng mga pulis ang grupo ng suspect ay walang sabi-sabing nagpaulan ng putok ng baril ang grupo ng huli sa mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan na ring gumanti nang pagpapaputok ng baril ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga ito.
Nang buksan ng mga pulis ang compartment ng taxi ay doon nila nabungaran ang driver na si Dionisio na nagsabing tinutukan siya ng baril ng mga suspect at saka sapilitang isinama. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest