^

Metro

Consumated arson isinampa vs katiwala ng pari

-
Pormal nang sinampahan kahapon ng kasong consumated arson sa Manila Regional Trial Court ng Bureau of Fire Protection ang isang estudyante kaugnay sa pagkasawi ng isang pari sa naganap na sunog, kamakailan.

Ang kinasuhan ay si Patrick Bayudan, estudyante ng Dela Salle University.

Base sa isinampang kaso na mayroong malaking pananagutan si Bayudan dahil na rin sa kanya ibinibintang ang pagkakaroon ng sunog sa Our Lady of Fatima Parish sa Bacood, Sta. Mesa, Manila na dahilan nang pagkasawi ng parish priest dito na si Fr. Raul Villamin.

Ayon sa pahayag ni Atty. Jun Garcia, chief of staff ni Vice-mayor Danny Lacuna na nauwi sa consumated arson ang kaso dahil na rin sa nabigong mapatunayan ang dahilan ng kamatayan ng pari.

Magugunita nang matagpuan ang bangkay ng pari ay may nakitang cannister ng lighter fluid na hinihinalang sinadyang sunugin ang bangkay nito.

Nauna na rito, sinasabing hindi suffocation ang kinamatay ng pari, gaya ng unang napaulat bunga na rin nang pagkakatuklas sa namuong dugo sa ulo ng pari na sinasabing dahil sa malakas na pagpalo. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANNY LACUNA

DELA SALLE UNIVERSITY

JUN GARCIA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

OUR LADY OF FATIMA PARISH

PATRICK BAYUDAN

RAUL VILLAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with