Obrero nadaganan ng 100 kilo ng bakal, napisak
August 22, 2001 | 12:00am
Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng isang construction worker matapos na mabasag ang bungo at mukha nang mabagsakan siya nang panghakot ng bakal ng kinukumpuni niyang pay loader, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Nakilala ang nasawi na halos hindi na makilala nang mabagsakan ng mahigit sa 100 kilo ng bakal na si Noel Pelarion, 26, pay loader operator, tubong Davao del Norte at residente ng Area 5, No. 23, Nawasa St., Pasong Tamo,Quezon City.
Base sa ulat naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng construction site ng tinatayong Robinsons Place sa Marcos Highway, Barangay Dela Paz, Pasig City.
Bago magsimula ang trabaho, kinukumpuni umano ni Pelarion ang ginagamit niyang mini-pay loader. Nasa ilalim umano ito ng naturang makina at may pinupukpok nang biglang kumalas ang panghakot ng bakal at bumagsak sa ulo mismo ng nasawi.
Sinabi sa ulat na posibleng hindi nai-lock ni Pelarion ang kambyo ng pay loader at gumalaw ito dahil sa ginawa niyang pagpupukpok hanggang sa ito ay humulagpos at bumagsak sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended