^

Metro

Sa maanomalyang isyuhan ng business permit: 5 opis

-
Lima pang opisyal at isang utility worker sa Quezon City Hall ang tuluyang sinibak ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr, kaugnay sa maanomalyang pagpapalabas ng mga business permit sa Manor Hotel na nasunog at kumitil sa buhay ng may 74 katao noong nakalipas na Sabado ng madaling araw.

Sa isang press conference na isinagawa ni Belmonte sa Bulwagan Hall ng Quezon City, ang mga sinibak sa puwesto ay sina Engr. Romeo Montillana, chief ng electrical division; Engr. Gerardo Villaseñor, electrical inspector II; Jose Calaug, licensing inspector II; Voltaire Padilla, licensing inspector II; Godfrey Colet at Willie Jerez, utility worker.

Ipinaliwanag ni Belmonte na sinibak niya ang mga nabanggit para mabigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon kung sino ang mga dapat panagutin sa malagim na trahedyang naganap sa Manor Hotel.

Aniya’y ito ay para maiwasang magkaroon ng ‘whitewash’ sa kaso.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Quezon City Vice-mayor Herbert Bautista, napag-alaman umano niya sa isang impormante na ang utility worker na si Jerez ay nagagawang pumirma sa mga business permits. Hindi pa umano niya malaman kung sino ang nagbigay dito ng kapangyarihan na pumirma at mag-approve ng maseselang dokumento.

Samantala, inihahanda naman ng mga tauhan ng CPD police ang paghaharap ng kaso sa mga taong dapat panagutin sa naganap na sunog sa Manor Hotel.

Bagamat, hindi pinangalan ni Chief Inspector Rudy Jaraza, chief ng homicide division ng CPD ang mga kakasuhan, sinabi ng source na anim na opisyal sa Quezon City Hall ang kabilang dito.

Naantala ang paghaharap ng kaso dahil sa patuloy pang pangangalap ng mga ebidensiya ang pulisya para tumibay ang kasong kanilang ihaharap sa korte.

Magugunitang nauna nang nagharap ng kaso ang Bureau of Fire Protection laban sa may-ari ng Manor Hotel na si William Genato.

Nauna na rin namang sinibak sa puwesto ni Mayor Belmonte ang dalawang mataas na opisyal sa city hall na sina Engr. Danny Macapugay, hepe ng Engineering Department at Ret. Col. Rafael Galvez, ng Business Permit and Licensing Office.

Binanggit pa ni Jaraza na nadiskubre rin nila na nawawala ang blue print o plano ng gusali kung kaya mahihirapan sila na matukoy kung sinu-sino ang gumawa at nagplano ng pagpapatayo ng nasunog ng hotel. (Ulat ni Jhay Mejias)

BELMONTE

BULWAGAN HALL

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

CHIEF INSPECTOR RUDY JARAZA

DANNY MACAPUGAY

ENGINEERING DEPARTMENT

MANOR HOTEL

QUEZON CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with