^

Metro

Kuya natodas sa pagtatanggol sa utol

-
Isa ang patay, samantalang malubha namang nasugatan ang nakababata niyang kapatid matapos na sanggahin ng una ang saksak na nararapat sa huli nang mapaaway ang dalawa sa kanilang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutang bayan ng Malabon ang biktimang si Douglas Palomar, bunga ng tinamong saksak sa sikmura, samantalang nagtamo din ng sugat sa kanang kamay ang nakababata nitong kapatid na si Cenon, kapwa residente ng 41, Block 18, Lot 21 Dulong Hernandez St. ng naturang lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na si Jessie Abad, 34, kapitbahay ng mga biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas- 9 ng gabi ng maganap ang insidente. Nabatid na bago maganap ang krimen ay nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay ng lumabas ang nasawi upang umihi.

Dahil sa lasing na ang kanyang kuya ay sinundan ito ng kanyang nakababatang kapatid at dito nila naka-engkuwentro ang suspect.

Kinompronta umano ni Cenon ang suspect at lalong uminit ang pagtatalo hanggang sa maglabas ng patalim ang huli at tangkang sasaksakin ang una, namagitan naman si Douglas na siyang nakasalo sa saksak na dapat ay sa kanyang kapatid. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CENON

DAHIL

DOUGLAS PALOMAR

DULONG HERNANDEZ ST.

GEMMA AMARGO

ISA

JESSIE ABAD

KINOMPRONTA

MALABON

MALABON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with