Bading iniwan ng 'papa' nagbigti
August 21, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang hiniwalayan ng boyfriend ang sanhi ng pagpapakamatay ng isang bakla matapos itong magbigti kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Shane Tan, may sapat na gulang, hindi binanggit kung saan ito nakatira.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Socrates Fernandez ng Homicide Section, Makati City Police, dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakatali ng nylon cord ang leeg at nakabitin sa bakal na gate sa may no. 3712 Bautista St., Barangay Palanan ng lungsod na ito ng kanyang kaibigang bakla na nakilala sa pangalang Sandy Cuenca.
May hinala ang pulisya na isa sa dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ay dahil sa hiniwalayan ito ng kanyang boyfriend.
Bago umano isinagawa ni Shane ang pagpapakamatay, nag-uumiyak ito dahil sa labis na lungkot.
Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang nabanggit na kaso at may ilan pang anggulong tinitingnan ngayon ang pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended