^

Metro

Driver ni Dolphy nakasagasa

-
Inaresto ng pulisya ang driver ng Comedy King na si Dolphy Quizon, matapos na masagasaan nito ang isang empleyada habang sakay ang aktor, kasama ang actress-singer na si Zsa Zsa Padilla at Kris Aquino sa isang parking lot sa Global City, sa Taguig, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Pedro Micate, 45, ng Eusebio St., Bulk Creek, Pasig City.

Pinalaya naman ng Taguig Police ang suspect matapos na akuin ni Dolphy ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa biktimang nakilalang si Vanessa Laylay, 21, ng NBC tent at naninirahan sa Valenzuela St., Sta Mesa, Manila.

Ayon sa pulisya, umatras ang sasakyang Ram Van Dodge MV na may plakang UMU-735 na minamaneho ng suspect na si Micate dakong alas- 8 ng gabi sa tapat ng NBC tent sa Global City at hindi sinasadyang maatrasan nito ang naglalakad na biktima.

Hindi umano napansin ng driver ang biktima na nagulungan ang kanang paa. Agad namang dinala ang biktima sa Makati Medical Center at sinagot lahat ng aktor ang gagastusin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BULK CREEK

COMEDY KING

DOLPHY QUIZON

EUSEBIO ST.

GLOBAL CITY

KRIS AQUINO

LORDETH BONILLA

MAKATI MEDICAL CENTER

PASIG CITY

PEDRO MICATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with