2 turistang Hapon nabiktima ng Ativan
August 19, 2001 | 12:00am
Muli na namang sumalakay ang apat na miyembro ng Ativan Gang na pawang mga magagandang dilag matapos na bumiktima ng dalawang Hapones sa Quiapo, Maynila iniulat kahapon.
Kinilala ni Senior Insp. Eddie Cruz, hepe ng WPD-Theft & Robbery Section ang dalawang turistang sina Tetsuhiro Yamada, 38, ng Shijiyo Omiya-Cho, Shimogyo Ku, Kyoto, Japan at Tomonori Sumino, 38, ng Miyuki Higashi-Machi, Neyaguma-Shi, Osaka, Japan, kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Jowards Pension House sa Adriatico St., Malate, Maynila.
Batay sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalaro ng golf sa Intramuros Golf course ang dalawang turista nang lapitan at makipagkaibigan ang apat na kaakit-akit na di-kilalang babae na hinihinalang miyembro ng Ativan Gang dakong alas-11 ng umaga kamakalawa.
Dahil sa tamis ng pananalita at bihasa sa pakikipag-usap, napalagay ang loob ng mga biktima hanggang sa magkayayaan ang grupo na magtungo sa isang bahay sa Quiapo.
Pagdating nang dalawang Hapones, inalok sila kapwa ng orange juice na hinihinalang may halong ativan. Nang tumalab ang tabletas ay nakaramdam ng pagkahilo at pagkaantok ang dalawa.
Kinabukasan, nang magising ang dalawa ay wala na ang P80,000 at ibat ibang mamahaling alahas na tangay ng mga suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest