Paglilitis sa ASG members sa Taguig, pino-protesta
August 19, 2001 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang isang konsehal sa bayan ng Taguig na magsasagawa ng walang humpay na kilos-protesta ang mga residente dito kapag itinuloy ng Korte Suprema ang paglilipat ng paglilitis kay Abu Sayyaf leader Hector Janjalani at iba pang naarestong miyembro ng grupo na una nang tinanggihan ng Cebu City.
Inakusahan ni Councilor Allan Paul Cruz na hindi umano muna kinonsulta ng Korte Suprema ang mga opisyal at residente sa bayan bago magpalabas ng resolusyon na ilipat sa kanila ang paglilitis.
Sinabi pa nito na labis na maaapektuhan ang katahimikan ng kanilang bayan at maaaring makasagabal din ito sa pag-unlad ng kanilang industriya.
Nagpahayag na umano ang libu-libong residente ng Taguig nang pagtanggi dito at sinuportahan din ng mga Muslim na nakatira sa Maharlika Village sa naturang bayan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended