^

Metro

Dalaga na-gang rape ng 6 bagets

-
Anim na kabataang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya matapos na pilahang gahasain ang isang 18-anyos na dalaga na nakatakda na sanang magtungo sa Japan bilang entertainer, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Nakilala ang mga dinakip na suspects na halinhinang gumahasa sa biktima na itinago sa pangalang Joy na sina Agapito Payos, 17, alyas Aga; Ruel Arguelles, 21; Marvin Adiova, 20; Kennedy Ballalan, 17; Rodel Sarmiento, 20, at Marlon Mina, 16.

Ayon sa pahayag ng biktima kay PO3 Efren Calix, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw sa isang abandonadong bahay sa may Kenneth Road, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Napag-alamang isinama umano ang biktima ng kanyang pinsang babae na si Liberty sa bahay ng suspect na si Payos na doon ay nadatnan nilang nag-iinuman ang grupo ng suspect. Iniwan umano siya doon ng kanyang pinsan.

Binanggit pa ng biktima na niyaya siya ng mga suspect na uminom ng pomelo juice na hinaluan ng gin. Ilang sandali pa ay niyaya siya ng suspect na si Sarmiento na magtungo sa isang abandonadong bahay na doon umano siya hinihintay ng kanyang pinsan.

Nagtaka naman ang biktima nang hindi niya datnan sa naturang lugar ang pinsang si Liberty. Ilang sandali pa ay sapilitan siyang hinalay ng suspect na si Sarmiento hanggang sa dumating pa ang limang suspect na pumila rin sa kanya.

Matapos ang isinagawang gang-rape ay basta na lamang iniwan ng mga suspect ang biktima na nagharap naman ng sumbong sa pulisya.

Isa-isa namang dinakip ang mga suspect matapos magharap ng sumbong ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGAPITO PAYOS

BIKTIMA

DANILO GARCIA

EFREN CALIX

ILANG

KENNEDY BALLALAN

KENNETH ROAD

MARLON MINA

PASIG CITY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with