Ito ang madiing sinabi ni Renato Sanggalang, Pangulo ng Gsrc na may ibang motibo si Engr. Nelson Ramirez, presidente ng United Filipino Seafarers nang ibunyag nito ang umanoy katiwalian sa nasabing pagsusulit.
Sinabi pa nito na posibleng katunggali niya sa negosyo ang nagbulong kay Ramirez upang sirain ang reputasyon ng kanyang review center dahil sa marami umanong kaibigan si Ramirez na may-ari rin ng review center.
Idinagdag pa ni Sanggalang na wala ring katotohanan na wala pang makakakuha ng perfect score sa nasabing eksaminasyon dahil noong nakaraang taon ay nagmula sa Marco Review Center ang nakakuha ng topnotchers subalit wala namang nagreklamo.
Ipinagtataka rin ni Sanggalang kung bakit ngayon lamang binabatikos ni Ramirez ang nasabing pagsusulit kung kailan nagmula sa kanyang review center ang mga naging topnotchers. (Ulat ni Ellen Fernando)