^

Metro

Dayaan sa board exam ng Marine, pinabulaanan

-
Pinabulaanan kahapon ng may-ari ng Golden Success Review Center (GSRC) ang naiulat na nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na marine deck examination ng Professional Regulation Commission (PRC) na nagresulta ng pagkakakuha ng 8 perfect score.

Ito ang madiing sinabi ni Renato Sanggalang, Pangulo ng GSRC na may ibang motibo si Engr. Nelson Ramirez, presidente ng United Filipino Seafarers nang ibunyag nito ang umano’y katiwalian sa nasabing pagsusulit.

Sinabi pa nito na posibleng katunggali niya sa negosyo ang nagbulong kay Ramirez upang sirain ang reputasyon ng kanyang review center dahil sa marami umanong kaibigan si Ramirez na may-ari rin ng review center.

Idinagdag pa ni Sanggalang na wala ring katotohanan na wala pang makakakuha ng perfect score sa nasabing eksaminasyon dahil noong nakaraang taon ay nagmula sa Marco Review Center ang nakakuha ng topnotchers subalit wala namang nagreklamo.

Ipinagtataka rin ni Sanggalang kung bakit ngayon lamang binabatikos ni Ramirez ang nasabing pagsusulit kung kailan nagmula sa kanyang review center ang mga naging topnotchers. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

GOLDEN SUCCESS REVIEW CENTER

IDINAGDAG

MARCO REVIEW CENTER

NELSON RAMIREZ

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

RAMIREZ

RENATO SANGGALANG

SANGGALANG

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with