^

Metro

Nag-amok patay sa pulis

-
Isang 43-anyos na lalaki ang namatay, samantalang isang pulis ang malubhang nasugatan matapos na magwala ang una at makipagbarilan sa mga rumespondeng awtoridad kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas Jr., Malabon Chief of Police, ang nasawing suspect na si Mario Ignacio, walang trabaho, may asawa at residente ng Brgy. Longos, Malabon, sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa ulo at katawan.

Samantala, patuloy namang inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital si SPO1 Edgardo Manubay, 38, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 (PCP-3) ng nasabing himpilan ng pulisya sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang nasabing shootout sa may kahabaan ng Labahita St., Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na nakatanggap ng tawag mula sa mga residente ng naturang lugar ang mobile dahil sa umano’y pagwawala ng suspect habang dala ang kalibre .38 paltik at tinututukan ang ilang bystander dito.

Dahil dito, agad na rumesponde si SPO1 Manubay kasama ang isang PO1 Rommel Abaro sa naturang lugar at pinakiusapang sumuko na lamang ang suspect subalit bigla na lamang umanong pinaputukan ni Ignacio ang una na tinamaan sa tiyan.

Kaagad namang gumanti ng putok si PO1 Abaro at tinamaan sa ulo at dibdib ang suspect na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BRGY

EDGARDO MANUBAY

ERNESTO FOJAS JR.

GEMMA AMARGO

LABAHITA ST.

LONGOS

MALABON CHIEF OF POLICE

MALABON CITY

MARIO IGNACIO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with