8 perfect score sa marine board, iimbestigahan ng NBI
August 13, 2001 | 12:00am
Kung inaakala ng umanoy walong estudyanteng nakakuha ng perfect score sa nakaraang marine board exam ng Philippine Regulation Commission (PRC) na nakagawa sila ng history sa larangan ng marine board exams ay hindi pa sila nakakasiguro.
Ito ang siyang komento ni Engineer Nelson Ramirez pangulo ng United Filipino Seafarers makaraang hilingin nito sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon sa umanoy "perfect score ng walong estudyanteng nag-top sa marine board kamakailan.
Ang alegasyon ni Ramirez ay naging makatotohanan makaraang mabunyag na mayroon ngang leakage sa mga test questionaires na ipinagkaloob sa mga piling review centers.
Sinabi ni Ramirez na dawit at mayroong malaking pananagutan ang PRC dahil na rin sa resulta ng ginawa nitong imbestigasyon sa legal division ng PRC na kung saan ang walong estudyante na nakakuha ng perfect score ay pawang nag-review sa Golden Success Review Center.
Nakatakdang dalhin ni Ramirez ang lahat ng mga ebidensiyang nakalap nito sa NBI hinggil sa talamak na dayaan sa board exams na kung saan pawang mga empleado ng PRC na kung saan ang siyang utak. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am