Pamangkin ng kolumnista, ni-rape ng doktor
August 13, 2001 | 12:00am
Isang 14-anyos na dalagita na pamangkin ng isang kolumnista sa isang tabloid ang umanoy makailang-ulit na ginahasa ng isang doktor sa magkakahiwalay na pagkakataon sa Quezon City.
Agad na inaresto ng mga kagawad ng Central Police District matapos na ipagharap ng reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Jane, ang suspect na si Dr. Jess Javier, may-asawa, private doctor at may klinika sa 115 Harvard St., Cubao.
Si Jane ay pamangkin ng kolumnista at editor ng Peoples Tonight na si Radito Torres.
Ayon sa biktima, noong Agosto 8, 2001 ay nakitawag umano siya sa telepono sa botikang pag-aari ng suspect sa nasabi ring lugar at dito umano sila nagkakilala ng suspect makaraang makipagkaibigan umano ito sa kanya.
Niyaya umano ng suspect ang dalagita na magbilyar at dahil sa pagiging doktor ng una ay nagtiwala ang biktima at pinaunlakan ang nasabing paanyaya.
Gayunman, sa halip na bilyaran ay sa motel dinala ng suspect ang dalagita.
Nagmakaawa umano ang biktima subalit wala umano siyang nagawa nang siya ay puwersahin ng naturang doktor hanggang sa mailugso ang kanyang puri.
Sa pangalawang pagkakataon ay napilit ng doktor ang dalagita na sumakay sa kotse ng suspect dahil sa pagsasabing mag-uusap lang ang mga ito.
Habang nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa panulukan ng Harvard St. ay muling pinagsamantalahan ng dalawang ulit ang biktima.
Sinabi ng biktima na dahil sa matinding takot ay hindi umano niya nagawang makapagsumbong sa magulang.
Ang panghuling planong paggamit ng doktor sa dalagita ay nang matiyempuhan na mismo ng ama ng huli na isinasakay ng una sa kotse ang biktima.
Nagkaroon ng ilang minutong habulan nang magtangka ang doktor na tumakbo patakas subalit naabutan ito ng ama at ito na rin ang nagdala sa suspect sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest