High school student biktima ng hazing
August 11, 2001 | 12:00am
Hindi pa man ganap na nareresolba ang kaso ng hazing sa Laguna, isa na namang high school student ang naging biktima, matapos gulpihin at pagpapaluin ng kahoy sa ibat ibang bahagi ng katawan matapos ang isinagawang hazing ng isang grupo ng fraternity sa Makati City, kamakailan.
Nakilala ang biktima na si Richard Duran, 15, 3rd year high school ng Brgy. South Cembo ng nabanggit na lungsod.
Samantala, kinilala ang grupo ng mga suspect na miyembro ng Tau Gamma Fraternity na pinamumunuan ng isang alyas Ernest.
Ayon kay Mrs. Emma Duran, 37, ina ng biktima na nagtamo ng maraming pasa sa katawan ang kanyang anak bunga ng isinagawang hazing ng grupo.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang mga taong responsable sa naganap na hazing. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest