Koreanang extortionist, dinakip
August 10, 2001 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Investigation (BI) ang isang Korean national dahil sa umanoy paggamit nito sa pangalan ng ilang matataas na opisyal sa nasabing bureau sa pang-eextort sa kanyang kapwa Koreano.
Ang Koreanang si Choi Sun Rae, alyas Christine Garcia ay ipinaaresto ni BI Commissioner Andrea Domingo dahil sa umanoy paggamit nito ng kanyang pangalan at ilan pang matataas na opisyal sa bureau sa kanyang modus operandi.
Nabatid na karamihan sa mga binibiktima ni Garcia ay kapwa niya Korean kung saan hinihingan nito ang kanyang mga biktima ng malaking halaga ng salapi para ayusin ang mga visa nito upang maka-stay ng matagal sa bansa.
Ginagamit din umano ni Garcia ang kanyang pekeng I.D., kung saan sinasabi nito na siya ay miyembro ng National Bureau of Investigation- Non Organic employee.
Napag-alaman na ang pinakahuling biniktima ni Garcia ay isang nagngangalang Kim Kyong Hee, na ngayon ay nakapiit na sa Bicutan jail dahil sa hinalang itoy isang human smuggler.
Ibinulgar ni Kim na P2 milyon ang kanyang naibigay kay Garcia dahil sa pangako nitong aayusin ang kanyang kaso sa mga opisyal ng BI para madismis ang deportation case na iniharap laban dito. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended