^

Metro

3 Malaysian national dinakip sa mga pirated video compact disk

-
Tatlong Malaysian nationals ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa Quezon City dahil sa umano’y paggawa at pagbebenta ng mga pirated video compact disc (VCD) movies.

Nakilala ang mga dinakip na dayuhan na sina Tai Teck Cheong, Lee Chi Ming at Tan Boon Sim, pawang pansamantalang naninirahan sa 94-A Sct. de Guia St., Quezon City.

Ayon sa NBI, noong nakalipas na Hulyo 23 ay nakatanggap sila ng impormasyon buhat sa Videogram Regulatory Board (VRB) tungkol sa mga suspect na sangkot umano sa paggawa ng pirated VCD movies at ang kanilang tinutuluyan ang siyang ginagamit nitong factory.

Agad na nagsagawa ang NBI ng test buy at nakumpirma naman ang VRB tip.

Dahil dito, agad naman silang kumuha ng search warrant kay Manila Judge Antonio Eugenio para maisagawa ang operasyon.

Dakong alas-3 ng hapon, ng isagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspect at doon naaresto ang tatlong dayuhan.

Nasamsam din sa mga ito ang may 59,700 piraso ng iba’t ibang VCD movies; 20,700 VCD labels at VCD stamper na nagkakahalaga ng may apat na milyong piso. (Ulat ni Mike Frialde)

A SCT

GUIA ST.

LEE CHI MING

MANILA JUDGE ANTONIO EUGENIO

MIKE FRIALDE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

TAI TECK CHEONG

TAN BOON SIM

TATLONG MALAYSIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with