Houseboy na nagmasaker sa tatlong katao, tugis
August 9, 2001 | 12:00am
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit laban sa isang houseboy na umanoy responsable sa pagmamasaker sa tatlo-katao sa isang bodega, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Tatalon, Quezon City.
Ayon sa pahayag ni Senior Insp. Rudy Jaraza, hepe ng CPD-Homicide Division, bumuo na sila ng team na kinabibilangan ng apat na katao na kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation na tutugis kay Arnold Piamonte, tubong Compostela Valley, Mindanao, na itinuturong suspect sa pagkamatay ng tatlong biktima.
Sinabi ni Jaraza na kamakalawa rin ng umaga nang matagpuang patay ang mga biktima ay kaagad silang nagtungo sa North Harbor sa Pier kung saan maaaring sumakay ng barko ang suspect patungo sa Mindanao. Tiningnan nila ang manipesto ng mga sakay ng barko kung mayroong ganitong pangalan ang kumuha ng ticket. Ngunit aniya, wala pang ganitong pangalan na nakaalis o kumuha ng ticket upang tumungo ng Mindanao.
Kayat naniniwala si Jaraza na hindi pa nakakalayo ang suspect at narito pa ito sa Metro Manila.
Magugunitang natagpuang patay ang tatlong biktima na sina Edito Saringunba, 38, driver; Michael Dohinog, 41, caretaker; at si Lando dela Rama, pawang mga helper sa isang pagawaan ng plastic na pag-aari ni Manuel Chua Tang, 51, sa #6 Masaraga cor. Magno St., Brgy. Tatalon, Quezon City makaraang magtamo ng mga saksak at palo ng dos-por-dos sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest