Ayaw sumama sa welga, tinir-gas sa mata ng kasama
August 9, 2001 | 12:00am
Malamang na mabulag ang dalawang babaeng factory worker matapos silang espreyan ng tear gas sa mata ng kanilang kasamahan sa pabrika nang tumanggi ang mga ito na sumama sa kanilang kilos-protesta, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela District Hospital ang mga biktimang sina Tahta Dohilag, 20, at Myrna Corronacion, 39, kapwa residente ng C. Molina St., Veinte Reales ng nabanggit na lungsod at manggagawa ng RJE Enterprises sa Veinte Reales. Ito ay matapos silang makaramdam nang pananakit ng mata at pagsusuka bunga ng tear gas na inisprey sa kanila ng suspect at kasamahan nila sa trabaho na si Jecelyn Roasa, ng Ramelyn Subdivision ng naturang lungsod.
Nabatid na dakong alas-7:30 kahapon ng umaga ng maganap ang insidente sa harap ng naturang pabrika habang nagwewelga ang ilang empleyado kabilang ang suspect bunga ng umanoy mababang pasuweldo ng pabrika.
Nagpilit umanong pumasok sa loob ng pabrika ang mga biktima na tumangging sumama sa welga na siyang ikinagalit ng suspect hanggang sa magkaroon ng pagtatalo ang mga ito.
Isang welgista ang umanoy nag-abot ng tear gas sa suspect at agad naman nitong inisprey sa mata ng dalawang biktima.
Agad namang naaresto ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa Valenzuela police detention cell. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest