^

Metro

5 pang FEU students sugatan sa hazing, natunton

-
Kumpirmado na may lima pang estudyante ang naging biktima rin ng hazing na isinagawa ng isang fraternity sa Calamba, Laguna na dito nasawi ang FEU student na si Rafael Albano III. Ang mga ito ay ginagamot sa ilang ospital sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Sonny Rafael Albano, ama ng nasawi na nakumpirma niya na ang lima pang biktima ng hazing na kasamahan ng kanyang anak ay naka-confine sa pagamutan dahil na rin sa naganap na initiation rites.

"Pinipilit kong makipag-usap sa limang biktima pa ng hazing na nakasama ng aking anak upang malinawan kung ano ang tunay na ikinamatay ni Rafael," dagdag pa ni Albano.

Kaugnay nito, pinag-aaralan pa ng matandang Albano kung sasampahan niya ng kasong anti- hazing law si Dr. Victorino Manjila, professor ng FEU at adviser ng fraternity sa nasabing paaralan.

Aniya, depende sa mga magiging pahayag ng iba pang biktima na nakasaksi sa insidente at kapag napatunayan na may kinalaman si Dr.Manjila sa pagkamatay ng kanyang anak ay sasampahan niya ito ng kaso.

Nabatid na ang ilan pang biktima na ginagamot sa mga pagamutan sa Quezon City ay nakilalang sina Rochelle Batara, 22; Rod Tomandong, 20; Alvin Alitor, 20; Gina Ilagan, 21, at Melvyn Marges, 21, pawang estudyante rin ng FEU Fairview sanhi rin ng tinamong mga pasa at palo sa isinagawang initiation rites. (Ulat ni Jhay Mejias)

ALBANO

ALVIN ALITOR

DR. VICTORINO MANJILA

GINA ILAGAN

JHAY MEJIAS

MELVYN MARGES

QUEZON CITY

RAFAEL ALBANO

ROCHELLE BATARA

ROD TOMANDONG

SONNY RAFAEL ALBANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with