^

Metro

Ex-NPA leader patay sa shootout

-
Isang dating lider ng New People’s Army (NPA) ang nabaril at napatay ng mga tauhan ng Malabon police matapos itong makipagbarilan at manlaban sa mga awtoridad habang inihahain ang warrant of arrest, samantalang nadakip din ang tatlo pa nitong mga kasamahan, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Polo District Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan si Raul dela Cruz, alyas Ka Oliver at residente ng Brgy. Karuhatan, ng nasabing lungsod.

Samantala, kaagad namang nadakip ang tatlo pa nitong mga kasamahan na kinilalang sina Edwin Rodriguez, 26; Erwin Lumasac, alyas Gally, 31, at Allan Rodriguez, 24, pawang mga dating miyembro din ng NPA at residente ng Sioson St., Dampalit, Malabon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala- 1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa bakanteng lote ng Globe Papermills, Dinalagad, Brgy. Karuhatan.

Napag-alaman na nagtungo ang grupo nina Inspector Noel Lasquite, Insp. Ilover Lucero at Insp. Virgilio Olalia sa naturang lugar na sinasabing hideout ng nasawi upang ihain ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Romeo Quilantang, Municipal Trial Judge ng Obando, Bulacan dahil sa kasong robbery with force at intimidation na may inirekomendang piyansa na P100,000.

Pagsapit sa naturang lugar ay agad na pinaligiran ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ni dela Cruz, gayunman lingid sa kanilang kaalaman ay nakaalerto na pala ang grupo ng nasawi,

Nagtangkang tumakas ni dela Cruz kasabay nang pagpapaputok ng baril sa grupo naman ng mga awtoridad, dahilan upang gumanti na rin nang pagpapaputok ng baril ang mga pulis na dito tinamaan si dela Cruz na nasawi sa naturang insidente.

Hindi naman nakapalag pa ang mga kasamahan nito nang makitang duguan nang humandusay ang kanilang lider.

Nabatid na ang suspect ay dating lider ng NPA na nasangkot sa mga pagnanakaw at ilang kaso ng kidnapping. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALLAN RODRIGUEZ

BRGY

CRUZ

EDWIN RODRIGUEZ

ERWIN LUMASAC

GEMMA AMARGO

GLOBE PAPERMILLS

ILOVER LUCERO

INSPECTOR NOEL LASQUITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with