Tourist guide binaril bago itinapon sa dagat
August 8, 2001 | 12:00am
Halos maputol ang leeg at lumobo na ang katawan ng isang 36-anyos na tourist guide nang matagpuang lumulutang sa Manila Bay matapos na barilin at saka itinapon ng isang tripulante ng barko sa nasabing dagat, kahapon ng umaga sa Roxas Blvd., Ermita, Manila.
Isang tama ng bala ng baril sa leeg ang tinamo ng biktimang nakilalang si William Malinao, ng 136 Polilo Sineguelasan, Cavite.
Sa pagsisiyasat na isinagawa ni SPO4 Solomon Bataller, may hawak ng kaso ng WPD-Homicide Division, bandang alas-7:20 ng umaga nang makita ng mga residente sa may T.M. Kalaw malapit sa Army Navy Club ang nakalutang na bangkay ng biktima.
Positibo namang kinilala si Malinao ng kanyang kapatid na si Antonio Malinao Jr, na kabilang sa naghahanap sa baybayin sakay ng isang bangka matapos maiulat na nawawala ang kanyang kapatid.
Samantala, pinaghahanap ng mga awtoridad ang sinasabing responsable sa pagpatay na nakilala lamang na alyas Ben Torres, isang tripulante ng MV Trident Fortune vessel.
Nauna rito, ilan sa mga saksi ang nagsabi na noong nakalipas na Linggo dakong ala-una ng madaling-araw ay nakitang sakay ng MV Trident Fortune vessel ang biktima upang singilin sa utang na alak ang isang personnel sa naturang barko.
Nabatid na sa loob ng barko ay nayaya ang biktima na makipag-inuman kasama ang suspect na si Torres.
Sa hindi inaasahang pangyayari nagkaroon ng pagtatalo sa gitna ng inuman at sa ganoong pagkakataon ay namagitan ang biktima.
Nabatid na ito ang pinag-initan ng suspect na pinaputukan ng baril sa leeg at nang matiyak na patay ay saka itinapon sa dagat. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest