Dalagang trader nasugatan sa paglaban sa mga kidnappers
August 8, 2001 | 12:00am
Nasugatan ang isang 40-anyos na Filipino-Chinese trader matapos na mabaril nang manlaban sa hindi nakikilalang mga kalalakihan na nagtangkang dumukot sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Masuwerte naman na tinamaan lamang sa kanyang kanang braso ang biktimang nakilalang si Irene Chua, dalaga, negosyante ng San Juan. Kasalukuyan itong nagpapagamot sa Cardinal Santos Medical Center.
Sinabi ni Chua kay SPO1 Virgilio Reyes, may hawak ng kaso na ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi habang lulan siya ng kanyang sasakyang Honda CRV at binabagtas ang kahabaan ng Calderon St., Mandaluyong City.
Papauwi na umano siya sa kanilang bahay nang mapansin niyang sinusundan siya ng isang kotse.
Kinutuban umano ang biktima kaya pinasibad nito ang dalang sasakyan subalit ganoon din ang ginawa ng naturang kotseng sumusunod sa kanya.
Nang marating niya ang kanto ng Pilar St., tatlong lalaki na armado ng baril ang humarang sa kanyang sasakyan at pilit siyang pinababa. Gayunman, hindi pa rin nawalan ng lakas ng loob ang biktima at inatras ang kanyang sasakyan dahilan upang bumangga siya sa isang Expedition na bumangga pa sa isang Mitsubishi Lancer.
Maaari umanong ito ang ikinainis ng isa sa mga suspect kung kaya pinaputukan na lamang siya na tumama sa kanyang kanang braso. Matapos magpaputok ng baril ang isa sa mga suspect ay mabilis nang nagsitakas ang mga ito.
Ipinalalagay ng pulisya na ang mga suspect ay miyembro ng kidnap-for-ransom group na matagal nang nagmamatyag sa biktima subalit nabigo sila sa kanilang balak nang manlaban ang naturang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended