Masaker sa QC: 3 patay
August 8, 2001 | 12:00am
Tatlo katao ang iniulat na minasaker ng hinihinalang tatlo hanggang apat na salarin sa Brgy. Tatalon sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Supt. Renato Balivia, hepe ng CPD Station 11 ang mga biktimang sina Edito Saringunba, 38, driver; Michael Dohinog, 41, caretaker at Lando dela Rama, pawang stay-in sa bodega ng plastic sa No.6 Masaraga St., Brgy. Tatalon, Quezon City na pag-aari ng isang Manuel Chua, 51, makaraang magtamo ng mga palo at saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang mga bangkay ng biktima ay natagpuang nakahandusay sa nasabing bodega at katabi pa ng mga ito ang tatlong patalim at isang dos-por-dos na hinihinalang ginamit ng mga suspect .
Batay sa isinagawang imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong alas-7:30 ng umaga ni Eric Basister, 23, isa ring houseboy sa nasabing bodega.
Isa sa itinuturong suspect ay ang kasamahan ng mga biktima na si Arnold Piamonte, houseboy din sa naturang bodega na umanoy huling nakitang kainuman ng mga biktima.
Samantala, binanggit naman ni Mr. Chua, na bago naganap ang krimen ay nagtungo pa sa kanyang tanggapan kamakalawa ng hapon ang suspect na si Piamonte na umutang sa kanya ng halagang P6,000 para ipadala umano sa kanyang mga magulang sa probinsiya.
Nakita rin sa crime ang pinagpilas-pilas na sulat ni Piamonte para sa kanyang magulang sa probinsiya.
Lumabas pa rin sa inisyal na imbestigasyon na bago naganap ang masaker ay nakita pang naglalaro ng tong-its ang mga biktima kasabay ng kanilang inuman dahil sa nakitang nakalatag na baraha at mga bote ng alak sa lamesa.
Sinabi naman ng ilang saksi na nakita nila si Piamonte na lumabas ng bodega na may kasamang tatlong lalaki dakong ala-una ng madaling-araw.
Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa naganap na karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest