^

Metro

Mediaman nilinis sa arson

-
Walang sapat na ebidensya na magdidiin sa sumuko umanong PR man ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung kaya’t hindi ito makakasuhan ng arson ng Central Police District Office (CPDO).

Sa isinagawang press conference kahapon sa Camp Karingal, sinabi ni CPD Director Chief Supt. Rodolfo Tor, kanila nang pinalaya at hindi sinampahan ng kaso si Philip Lustre Jr., professor ng Journalism sa Lyceum of the Philippines sa Maynila na naunang nailathalang sangkot sa panununog at pagpatay sa kanyang live-in partner na si Violeta Robles, 26, nursing graduate sa Far Eastern University at pinsang buo na si Veronica Roxas, mga pamangking sina Jun Jun, 11, AC, 6 at ang kambal na sina Mira, 11 at Mara 11.

Ang mga bangkay ng biktima ay natagpuan matapos na maapula ang mahigit kumulang sa isang oras na sunog sa inuupahang apartment ni Robles sa No. 54-F Malakas St. Barangay Pinahan, Quezon City.

Idinagdag pa ni Tor, hangga’t walang matibay na ebidensiya o testigong makukuha ang mga tauhan ng CPD-Criminal Investigation Unit at Central Fire na siyang humahawak sa kaso na makakapagpatunay na responsable si Lustre sa naganap na sunog ay hindi umano maaaring sampahan ito ng pulisya ng kasong arson.

"Yung sinasabing natagpuang LPG tank malapit sa pintuan ay hindi maaaring gawing batayan para kasuhan si Lustre ng arson, maging iyung nangyaring pag-aaway nila ni Violeta hindi rin dapat na gawing basehan at ito ay malabo," ani Tor. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CAMP KARINGAL

CENTRAL FIRE

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DIRECTOR CHIEF SUPT

F MALAKAS ST. BARANGAY PINAHAN

FAR EASTERN UNIVERSITY

JHAY MEJIAS

JUN JUN

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with