Remittance ng QC sa MMDA hiling alisin
August 7, 2001 | 12:00am
Iginiit kahapon ng Quezon City government na alisin na lamang sa talaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang isang siyudad sa Metro Manila na naglalaan ng remittance sa nabanggit na ahensiya bilang panustos sa gastusin sa basura at trapiko sa nabanggit na lugar.
Hiniling ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. na huwag nang magbigay ang lungsod ng remittance sa MMDA dahil kaya naman ng Quezon City na mapangasiwaan ang usapin ng basura at trapiko sa lunsod.
Umaabot sa 20 porsiyento ng kabuuang kita ng Quezon City ang nailalaan nito sa MMDA remittance sa isang taon o mahigit sa P11 milyon sa isang buwan.
Ang naturang halaga ay kinakaltas na ng MMDA sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng lungsod bago pa man dumating sa QC ang IRA nito.
Nabatid kay Albert Seno, hepe ng Barangay Bureau ng Quezon City na halos wala nang nakukuhang tulong ang Quezon City mula sa MMDA dahil sa mayroon namang sariling lagakan ng basura ang lungsod sa Payatas bukod pa sa mga garbage shredder na ginagamit ng lungsod para dito.
Kaya din umano ng Quezon City na mapangasiwaan ang usapin sa trapiko sa lungsod dahil gumawa na ng kaukulang programa si Mayor Belmonte hinggil dito, tulad ng pagtatalaga ng mga local traffic enforcers na pinakalat sa mga busy at matataong lugar.
Nabatid na bukod sa QC, maging ang Makati, Pasig, Marikina at Maynila at iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nagpahayag ng pagnanais na sila na mismo ang mangasiwa sa kanilang mga basura at usapin sa trapiko dahil kaya nilang pangasiwaan ito sa kani-kanilang area of responsibility. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest