Amorsolo painting ninakaw
August 7, 2001 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang apat na lalaking nanloob sa isang art gallery sa Quezon City, kamakalawa at tumangay sa paintings ni Amorsolo na nagkakahalaga ng may P3 milyon.
Ayon sa biktima na si Fe Esteruna de Pio, 51, ng 37-C Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion, na siya mismo ay itinali ng mga suspect nang pasukin nito ang kanyang art gallery.
Isa sa mga suspect na nakilalang isang Ronald Fajardo ay iniulat na mabilis na tumakas matapos mangulimbat ng ibat ibang paintings dalawa sa mga ito ay guhit ni Amorsolo.
Base sa inisyal na imbestigasyon na ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa loob ng De Pios art gallery sa nabanggit na barangay. Binanggit ng biktima na hinihintay niya ang kanyang misis na noon ay dumalo sa misa nang magpasya na siyang isara ng maaga ang shop.
Gayunman, bago pa man ito maisara dalawa sa mga suspect ang biglang pumasok at agad siyang tinutukan ng baril at pagkatapos ay itinali.
Dito na nagsimulang mangulimbat ang mga suspect at isinakay ang kanilang kinulimbat sa isang silver-gray Tamaraw FX na may plakang WHK-687.
Nabatid pa na noong nakalipas na Hulyo 28 si Fajardo ay dumating sa kanyang shop at nagpanggap na buyer at tiningnang lahat ang display sa kanyang shop kung kaya natandaan niya ang mukha nito. (Ulat ni Mathew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am