^

Metro

Mercury Drug pinagnakawan

-
Bagaman ilang metro lang ang layo sa isang himpilan ng pulisya, hindi pa rin nakaligtas na holdapin ng pitong hinihinalang kasapi ng ‘Belocura Robbery Gang’ ang isang sangay ng Mercury Drugstore sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat, pawang armado ng M-16 rifles at kalibre .45 ang pitong suspek nang pasukin nila ang leading drugstore na nasa panulukan ng Metrica at Craig St., Sampaloc, dakong alas-8:55 ng gabi.

Ayon sa mga saksi, sakay ng isang Mazda double cab na may plakang WAX-932 ang mga suspek nang pumarada sa tapat ng nasabing drugstore.

Mabilis na nagsibabaan ang mga suspek at agad na nagpaputok ng baril sa itaas at pinadapa ang mga kostumer at empleado kasabay na nag-anunsyo ng holdap.

Mabilis na tinungo ng mga suspek ang cash register at sinaid ang lamang pera na kinita ng drugstore.

Kasunod nito, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng kanilang get-away car.

Hinihinala ng pulisya na posibleng binuo muli ang Belocura gang ng mga natitira pang miyembro nito matapos na ma-neutralized ng pulisya dahil sa estilo ng panghoholdap ng mga ito.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya at inaalam na rin kung kanino naka-rehistro ang naturang sasakyang gamit ng mga suspek. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

BAGAMAN

BELOCURA

BELOCURA ROBBERY GANG

CRAIG ST.

HINIHINALA

KASUNOD

MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with