^

Metro

Umawat sa away ng magulang, tinodas ng ama

-
Dahil sa umano’y pang-aawat ng isang 13-anyos na binatilyo sa away ng kanyang magulang, nairita ang lasing na ama kaya tinarakan sa dibdib ang una sanhi ng pagkasawi nito sa loob ng kanilang tirahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Reynan Ramos, estudyante at residente ng Barrio San Lazaro, Brgy. Tala, nasabing lungsod bunga ng isang malalim na tama ng patalim sa dibdib.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek na si Rolando Ramos,47, walang hanapbuhay ng nasabi ring lugar.

Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Gaudencio Domingo, bandang alas-6 ng gabi nang dumating ang suspek sa kanilang bahay na lango sa alak at agad na hinanap ang ina ng biktima at humihingi ng pera.

Hindi umano binigyan ng ginang ang suspek ng pera na naging dahilan upang mairita ang lalaki hanggang sa magtalo ang dalawa.

Agad namang nakialam ang biktima subalit imbes na magpaawat ang kanyang ama ay kinuha nito ang patalim na nakapatong sa kanilang lamesa at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang anak.

Nagtangkang tumakas ang suspek subalit agad siyang nasukol ng mga nagresponding pulis-Caloocan. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BARRIO SAN LAZARO

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

GAUDENCIO DOMINGO

GEMMA AMARGO

NAGTANGKANG

REYNAN RAMOS

ROLANDO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with