^

Metro

Estudyante pinatay ng cellphone gang

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pinaghihinalaang miyembro ng ‘Agaw Cellphone Gang’ ang isang estudyante makaraang tumanggi itong ibigay ang kanyang cellphone habang naghihintay ng jeep sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Jether James Castillo, 19, ng Green Heights Subdivision, Nangka Marikina matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Central Police District Office, naganap ang insidente dakong alas-11 kamakalawa ng gabi habang ang biktima ay nag-aabang ng kanyang masasakyan sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Batasan Road sa Brgy. Batasan Hills sa nasabing lungsod.

Ayon sa ilang saksi nakita nila ang biktima na nakikipag-agawan sa cellphone na pilit na kinukuha ng suspect.

Kasunod nito ay narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa bumulagta sa semento ang biktima.

Nakita ng pulisya na mahigpit ang pagkakahawak ng biktima sa kanyang cellphone na indikasyon na hindi ito nagawang makuha ng suspect na nataranta na nang makitang duguang humandusay ang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGAW CELLPHONE GANG

BATASAN HILLS

BATASAN ROAD

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

GREEN HEIGHTS SUBDIVISION

JETHER JAMES CASTILLO

NANGKA MARIKINA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with