Barangay official, anak ng police major, tinutukan ng pag-salvage sa pulis
August 4, 2001 | 12:00am
Nakatutok ngayon ang imbestigasyon ng Eastern Police District (EPD) sa mga ulat na isang opisyal ng barangay ang nasa likod ng pag-salvage sa isang tinyente ng pulisya na natagpuang lumulutang sa Ilog Pasig noong nakaraang Sabado.
Bukod dito, sampung pangalan na ang lumulutang na suspect sa brutal na pagpaslang kay Inspector German Hepuller, nakatalaga sa Directorate for Operations and Planning Division. Kabilang dito ang isang anak ng isang police major sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa source, dalawang grupo umano ng mga operatiba ang ipinadala sa lalawigan ng Rizal at Quezon upang dakpin ang isang Ricardo Cruz, alyas Galman at isang alyas "Puke" na siyang itinuturong pumatay kay Hepuller.
Nabatid na isang nabigong drug raid ang isinagawa ni Hepuller sa bahay ni Cruz kung saan tanging ang ina at kapatid na babae lamang nito ang naabutan sa bahay. Binanggit pa sa ulat na pinagsasampal umano ni Hepuller ang ina ng suspect na siyang ikinagalit nito.
Ipinapatay umano ng naturang opisyal ng barangay si Hepuller dahil sa pakikialam nito sa mga aktibidad sa kanilang barangay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended