Katiwala ng simbahan, sabit pa rin sa pagkamatay ng pari
August 3, 2001 | 12:00am
Sa kabila na naunang inihayag kamakalawa na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng Kura Paroko ng Our Lady of Fatima Parish na nasunog noong nakalipas na Miyerkules, sinimulan naman kahapon na pag-aralan ni Manila City Hall Chief Prosecutor Nelson Salva ang rekomendasyon ni Fiscal Elena Masingan kung hanggang saan ang degree of guilt ng katiwala ng nasawing pari.
Base sa isinampang kaso ni Supt. Chief Fire Marshal Fenimore Jaudian ng Bureau of Fire and Protection sa Manila Prosecutors Office ay lumilitaw na ang nakasumiteng consummated arson bilang kaso ay nagsasangkot kay Patrick Bayudan, 20, pyschology student at katiwala ng nasawing si Fr. Raul Villamin na mayroon itong malaking pananagutan sa pagkamatay ng pari.
Lumilitaw din na ang ginawang pagtakas nito at pagtalikod sa kanyang pananagutan na gisingin o ipagbigay alam agad sa biktima na mayroong sunog ay isang krimen na maituturing.
Nabatid na bagamat consummated arson pa lamang ang isinampa laban kay Bayudan ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad na madagdagan ito o mauwi sa first degree murder.
Lumitaw na nagtamo ng pasa ang pari na hinihinalang mula sa palo ng isang matigas na bagay. Nakatagpo rin ng cannister o sisidlan ng lighter fluid sa loob ng pinangyarihan ng sunog ang mga arson prober na hinihinalang ginamit upang simulan ang panununog.
Nabatid pa sa testimonya ng ilang mga taga-kumbento na maraming ulit na naririnig nila ang biktima at suspect na nagtatalo tuwing madaling araw. Nakita rin umano ng mga barangay tanod si Bayudan na mabilis na tumakbo dala ang ilang personal na gamot bago nagsimulang kumalat ang apoy. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended