^

Metro

Malonzo malabo pa ring maiproklama

-
Posibleng maudlot na naman ang proklamasyon ni Caloocan Officer-in-Charge (OIC) Rey Malonzo at mga lokal na opisyal nito matapos na magpahayag ang Supreme Court na tanging si 1st District Congressman Enrico "Recom" Echiverri pa lamang ang kanilang pinanunumpa.

Base sa en banc resolution na ipinalabas ng Supreme Court, niliwanag nito na si Echeverri lamang ang maaaring iproklama dahilan sa ito ang naghain ng petisyon matapos itong tumakbong kongresista sa unang district ng Caloocan.

Dahilan dito kung kaya’t maaari ring magharap ng petisyon si Malonzo at iba pang opisyal nito sa Supreme Court upang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa Comelec na nag-uutos na siya at ang iba pang nanalong opisyal na maproklama.

Sinabi naman ni Commissioner Luz Tancangco na kailangan muna nilang mag-convene upang mabatid kung kailangan silang magproklama ng mga nagsipagwaging kandidato sa Caloocan sa dahilang patuloy pa rin nilang pinagbobotohan ang petisyon para ipawalambisa ang nakaraang May 14 at 15 halalan.

Magugunitang si Echiverri ay nagharap ng kahilingan sa Korte Suprema na payagan na siyang maiproklama at pigilan ang Comelec na ipatupad ang May 25 Comelec Resolution.

Kaugnay ito sa isinampang petisyon sa Comelec ng Lakas ng Demokratikong Partido (LDP), Liping Kalookan, Luis "Baby" Asistio, Macario "Boy" Asistio Jr. at Oscar Malapitan, ang pangunahing kalaban sa tinakbong posisyon ni Echiverri, na humiling na ideklarang ‘failure of elections’ sa nasabing lugar.

Iginiit sa petisyon ni Echiverri na payagan na siyang iproklama dahil napakalayo naman ng lamang niya sa boto kumpara sa kanyang mga naging kalaban, na siya namang ipinagkaloob ng high tribunal sa July 31 en banc resolution.

Magugunitang si Malonzo at ang kanyang mga konsehal ay sumugod sa Comelec noong Miyerkules subalit hindi ito natuloy na iproklama. (Ulat nina Gemma Amargo at Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ASISTIO JR.

CALOOCAN

CALOOCAN OFFICER-IN-CHARGE

COMELEC

COMELEC RESOLUTION

COMMISSIONER LUZ TANCANGCO

DEMOKRATIKONG PARTIDO

ECHIVERRI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with