^

Metro

Columbian national tumalon buhat sa 11th floor, buhay

-
Pinaniniwalaang matinding problema sa pamilya ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng isang dalagang Columbian national na tumalon mula sa ika-11 palapag ng inuupahan nitong condominium unit sa Makati City, kahapon ng umaga.

Patawirin ngayon sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Lillana Sanchez, 24, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1106 Sunette Tower, Durban St., Salcedo Village ng lungsod na ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Lewelle Cristobal ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:20 kahapon ng umaga.

Nabatid na tumalon mula sa 11th floor ang biktima at ito ay bumagsak sa ika-6 na palapag ng nabanggit na condominium.

Agad namang dinala sa nabanggit na pagamutan ang biktima.

Binanggit pa sa ulat na bago isinagawa ng dalaga ang tangkang pagpapakamatay ay napansin na ang pag-iiyak at pagkukulong sa loob kuwarto ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BINANGGIT

DURBAN ST.

LEWELLE CRISTOBAL

LILLANA SANCHEZ

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MEDICAL CENTER

SALCEDO VILLAGE

SUNETTE TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with