^

Metro

Veterinary student dinukot ng mga armado

-
Kinidnap ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan ang isang 19-anyos na veterinary student habang ito ay papalabas sa pinapasukan nitong unibersidad, kahapon ng tanghali sa Malabon.

Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas, hepe ng Malabon police ang biktimang si Nino Lorenzo Tobiano, student sa Gregorio Araneta University Foundation na nasa Araneta Avenue, Barangay Potrero, Malabon.

Base sa sketchy report, dakong alas-12:30 ng tanghali ng harangin at sapilitang isakay ng mga armadong kalalakihan ang biktima sa isang kotseng Toyota Corolla habang isa pang Nissan na kotse ang nagsilbing back-up nito.

Binanggit sa ulat na naglalakad ang biktima sa labas ng naturang unibersidad nang dukutin ng mga suspect.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa naturang insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BARANGAY POTRERO

BINANGGIT

ERNESTO FOJAS

GEMMA AMARGO

GREGORIO ARANETA UNIVERSITY FOUNDATION

HABANG

MALABON

NINO LORENZO TOBIANO

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with