Pulis na nawalan ng magazine ng baril, namaril ng bisita
July 31, 2001 | 12:00am
Bunga na rin ng pagka-bad trip sa pagkawala ng magazine ng kanyang baril, isang pulis-Valenzuela ang nag-ala-Rambo sa pamamagitan ng pamamaril ng bisita sa isang party na kanyang dinaluhan sa Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit ngayon sa Central Police District Command Station 3 ang suspect na si PO2 Ruben Furigay, nakatalaga sa Valenzuela Police Station at residente ng Brgy. Pasong Tamo, QC.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 kamakalawa ng gabi sa Macaspac Compound, Area 9, Luzon Ave., Brgy. Pasong Tamo habang ang pulis at ang biktimang si Eduardo Drio, 36, ay dumalo sa birthday party ng isang nagngangalang Gary.
Sa kasarapan ng inuman ay naisipan ng suspect na tingnan ang magazine ng kanyang baril subalit na-bad trip ito nang makita na nawawala ito.
Pinagmumura umano ng suspect ang mga kasama niyang bisita at napagbalingan ang biktimang si Drio.
Sinabi pa ng suspect na pipiliin ng mga bisita ang kanilang lolokohin dahil hindi umano niya sasantuhin ang mga ito.
Agad na humingi ng tulong si Drio sa pulisya na nagresulta ng mabilisang pagkakadakip sa suspect.
Si Furigay ay sa sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Regional Trial Court. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended