^

Metro

2 katao tinodas ng pulis

-
Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan umano ang mga ito sa isang miyembro ng Valenzuela City police matapos na sitahin ng huli ang dalang bag ng isa sa mga biktima habang nasa kainitan ng kanilang inuman, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na siyudad.

Kapwa patay bago idating sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan sina Perpetuo Delos Santos, 27, may asawa, magsasaka ng Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City at Joselito Pineda, 32, ng nabanggit ding lungsod.

Samantala, sumuko naman ang nakabaril na pulis na nakilalang si PO3 Michael Montallana, 34, matapos ang naganap na insidente.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa sa #8 Centro, Lawang Bato, Valenzuela City.

Nabatid pa sa isinagawang imbestigasyon na sina Delos Santos, Pineda at ang pulis na suspect ay masaya pang nag-iinuman at sa gitna ng inuman ay tinangkang buksan ng pulis ang dala-dalang bag ni Delos Santos para alamin kung ano ang laman nito.

Tinangka naman ni Pineda na awatin ang pulis na naging dahilan upang mag-agawan silang dalawa sa bag.

Habang nag-aagawan sa bag ang pulis na si Montallana at Pineda ay bigla umanong binunot ni Delos Santos ang kanyang kalibre.45 baril at pinaputukan ang pulis.

Gumanti naman nang pagpapaputok ng baril ang pulis at unang bumagsak si Delos Santos, habang tinangka naman ni Pineda na damputin ang baril ni Delos Santos subalit pinaputukan na rin siya ng nabanggit na pulis.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima subalit hindi na umabot pang buhay. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

DELOS SANTOS

GEMMA AMARGO

JOSELITO PINEDA

LAWANG BATO

MICHAEL MONTALLANA

PERPETUO DELOS SANTOS

PINEDA

PULIS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with