Chinese national timbog sa P6M shabu
July 31, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Narcotics Group (PNP- NarGroup) ang isang Chinese national na hinihinalang miyembro ng isang international drug syndicates na kumikilos sa Metro Manila kasabay ng pagkakasamsam sa may tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa isinagawang drug bust operations sa Valenzuela City.
Ang nadakip na suspect ay nakilalang si Li Zhebong, 31, tubong Mainland China, isang negosyante na iniharap kahapon nina PNP-NarGroup director Chief Superintendent Reynor Gonzales at Metro Manila Narcotics Group chief, Supt. Pepito Domantay sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.
Ang buy-bust operation ay isinagawa sa bisinidad ng Hiyas Subdivision sa Valenzuela.
Sa isinagawang interogasyon sa suspect, nabatid na may ilan pa itong kasabwat na Chinese nationals sa nabanggit na drug business sa Metro Manila, ngunit tumanggi ang pulisya na magbigay ng detalye sa mga ito sa hangaring huwag mabulilyaso ang isinasagawang dragnet operation.
Patuloy naman ang malawakang manhunt operation sa iba pang kasamahan ng nadakip na suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended