^

Metro

Pinay na nasentensiyahan sa UAE makakauwi na

-
Posibleng makauwi na sa susunod na buwan ang isang 20-anyos na Pilipina na nasentensyahan sa korte ng United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagpatay sa kanyang among Arabo nang tangkain ng huli na gahasain ang dalaga may ilang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator Wilhelm Soriano, umaabot na sa P1.127 milyon ang kanilang nalilikom at inaasahan na may mga taong magaganda pang kalooban na magbibigay ng tulong upang mabuo ang halagang P2.3 milyon na kakailanganing halaga ng pamahalaan bilang ‘diya’ o blood money upang mapalaya ang Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Ramos.

Napagdusahan na ni Ramos ang dalawang taon na pagkakabilanggo bilang kaparusahan nito sa pagkakapaslang sa kanyang amo na ibinaba ng UAE court at pinagbabayad pa ito ng P2.3 milyong diya.

Ang mga tumulong ay sina Ambassador Amable Aguiluz ng Embahada ng Pilipinas sa UAE (32,000 dirham na katumbas ng P450,000), Rotary Club of Makati (P60,000), Eugene Yu (P40,000), Ernie Salas (P75,000), Robert at asawang si Vicky Estacio (P50,000), Taim Tsat Tsui East(P15,000), Tosiyuki Sasal (P20,000 yen o P8,000), PAGCOR (400,000), FG (100,000), PCSO(100,000), Philip Beltran(P50,000), Congressman Abraham Mitra (10,000), Joseph Ramos (P1,000) at OWWA Regional Units(32,000). (Ulat ni Ellen Fernando)

AMBASSADOR AMABLE AGUILUZ

CONGRESSMAN ABRAHAM MITRA

ELLEN FERNANDO

ERNIE SALAS

EUGENE YU

JOSEPH RAMOS

MARY JANE RAMOS

OVERSEAS FILIPINO WORKER

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

PHILIP BELTRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with