Itoy matapos na mabangga ng isang pampasaherong jeepney ang sinasakyang motorsiklo nina Arlan Lerio, 24, isa sa inaasahang makapagbibigay ng gintong medalya para sa bansa kasama ang isang boxer at trainor kahapon ng madaling-araw.
Bagamat ligtas sa kamatayan si Lerio, quarterfinalist sa nakaraang Sydney Olympic, gold medalist sa Cuba International Slugfest at SEA Games, sinabi ng mga doktor na sumuri sa kanya sa Philippine General Hospital na siya ay posibleng nagkaroon ng pinsala sa ulo at nagtamo ng bali sa braso dahil sa lakas ng pagkakabangga dito.
Ang iba pang biktima ay kinilalang sina Dennis Salazar, isang promising amateur boxer at ang trainor na si Jonathan Rindor.
Base sa report, binabaybay ng mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo ang Faura St., Ermita, Maynila galing sa pagliliwaliw at bunga ng kanilang umanoy kalasingan, di nila napansin ang paparating na pampasaherong jeep kung kayat nabangga sila nito hanggang sa tumilapon sila ng ilang metro. At dahil sa pag-aakalang patay na ang tatlong biktima, iniwan sila ng suspek na driver ng jeep at tanging ang mga bystanders na nakasaksi sa insidente ang nagdala sa kanila sa PGH. (Ulat ni Andi Garcia)