^

Metro

Boxer na pambato sa SEA Games, naaksidente

-
Posibleng malagasan ng isa ang pag-asa ng bansa sa boxing event sa kanilang kampanya na mabawi ang pangkalahatang kampeonato sa nalalapit na 21st Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Setyembre.

Ito’y matapos na mabangga ng isang pampasaherong jeepney ang sinasakyang motorsiklo nina Arlan Lerio, 24, isa sa inaasahang makapagbibigay ng gintong medalya para sa bansa kasama ang isang boxer at trainor kahapon ng madaling-araw.

Bagama’t ligtas sa kamatayan si Lerio, quarterfinalist sa nakaraang Sydney Olympic, gold medalist sa Cuba International Slugfest at SEA Games, sinabi ng mga doktor na sumuri sa kanya sa Philippine General Hospital na siya ay posibleng nagkaroon ng pinsala sa ulo at nagtamo ng bali sa braso dahil sa lakas ng pagkakabangga dito.

Ang iba pang biktima ay kinilalang sina Dennis Salazar, isang promising amateur boxer at ang trainor na si Jonathan Rindor.

Base sa report, binabaybay ng mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo ang Faura St., Ermita, Maynila galing sa pagliliwaliw at bunga ng kanilang umano’y kalasingan, di nila napansin ang paparating na pampasaherong jeep kung kaya’t nabangga sila nito hanggang sa tumilapon sila ng ilang metro. At dahil sa pag-aakalang patay na ang tatlong biktima, iniwan sila ng suspek na driver ng jeep at tanging ang mga bystanders na nakasaksi sa insidente ang nagdala sa kanila sa PGH. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ARLAN LERIO

CUBA INTERNATIONAL SLUGFEST

DENNIS SALAZAR

FAURA ST.

JONATHAN RINDOR

KUALA LUMPUR

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SYDNEY OLYMPIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with