^

Metro

Hepe ng MMDA traffic pinalitan

-
Nahaharap ngayon sa malaking paghamon ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority -Traffic Enforcement Group matapos na palitan ang kanilang hepe at magbigay ng anim na buwang deadline si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang lunasan ang problema sa trapiko .

Pinalitan ni Supt. Luisito Maralit bilang hepe ng MMDA-TEG si Senior Supt. Vicente Raval Sr.

Nahaharap ngayon si Maralit sa matinding problema kung papaano paluluwagin ang trapiko dahil sa abusadong mga tsuper, illegal terminals, sidewalk vendors at iba pang obstruksyon sa kalsada.

Bukod sa ipinatutupad na color coding scheme, tumutulong rin ang mga lokal na pulisya sa pamamahala ng trapiko.

Partikular na pinagtutuunan ng pansin ay ang pagkakaloob umano ng mga lokal na pamahalaan ng permiso sa mga terminal ng pampublikong jeep at bus.

Nakiusap na si MMDA Chairman Abalos sa mga lokal na Mayor na pansamantalang itigil muna ang pagbibigay ng permits sa mga ito para mabawasan ang pagsisikip ng kalsada. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BUKOD

CHAIRMAN ABALOS

DANILO GARCIA

LUISITO MARALIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAHAHARAP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SENIOR SUPT

TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

VICENTE RAVAL SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with