^

Metro

Prosecutors office kukuwestiyunin ng PNP-CIDG

-
Kukuwestiyunin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang Manila City Prosecutors Office matapos palayain ang isang brgy. kagawad na inireklamo ng rape ng isang 7-gulang na batang babae sa loob mismo ng Albert Elementary School may isang buwan na ang nakalilipas.

Sinabi ni PNP-CIDG-Women’s and Children Concerned Office (WACCO) Chief Inspector Felicidad Gido, duda sila sa ginawang pagpapakawala ni Manila Inquest Prosecutor Nelson Selva sa suspect na si Romeo Cardino, alyas Romy, 46 at brgy. kagawad sa 1327 Craig St., Sampaloc, Manila.

Si Cardino ay naunang nadakip ng Western Police District (WPD) noong Hulyo 9 matapos magsampa ng kaso ang magulang ng isang Grade-2 pupil na umano’y ginahasa nito sa loob ng CR ng eskuwelahan.

Nabatid sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Nene na nagpaalam ito sa kanyang guro upang magtungo sa comfort room kung saan bigla na lamang umano itong sinunggaban ng suspek at doon ginahasa matapos na busalan ang bibig ng bata ng isang kulay pulang panyo at talian ang mga kamay dahilan para hindi na makasigaw ang bata.

Inabot ng dalawamg linggo bago nakapagsumbong ang bata na nabulgar matapos usisain ng kanyang ina sa manakanakang pagdugo ng ari nito sa napansin sa nilalabhang panty nito.

Agad namang ipinaaresto nitong Hulyo 9 ng mga magulang ng biktima ang suspek ngunit isang araw lamang umano itong nakulong sa WPD Integrated Jail at pinakawalan base sa utos ng piskalya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALBERT ELEMENTARY SCHOOL

CHIEF INSPECTOR FELICIDAD GIDO

CHILDREN CONCERNED OFFICE

CRAIG ST.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HULYO

INTEGRATED JAIL

JOY CANTOS

MANILA CITY PROSECUTORS OFFICE

MANILA INQUEST PROSECUTOR NELSON SELVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with