Batay sa desisyon ni Judge Teodoro Bay, napatunayan sa kasong murder ang akusadong si Leopoldo Conlu, dating nakatalaga sa 3rd Scout Ranger Company, First Ranger Regiment ng Phil. Army.
Ayon sa rekord ng korte, ang insidente ay naganap noong gabi ng Enero 31, 1997 sa kahabaan ng Adarna Extension, Brgy. Commonwealth, Q.C. na kung saan pinagsasaksak ang biktimang si Edito Sanchez.
Bago naganap ang insidente, nag-uusap umano sa naturang lugar ang biktima, ang kanyang asawa, isang nagngangalang Roberto Julian at Vilma Conlu, hipag ng akusado, hinggil sa umanoy pag-ihi sa pader ng bahay ng biktima ng isang bisita ng mga Conlu.
Habang nag-uusap ang mga ito, biglang dumating ang akusado kasama ang kanyang kapatid na si Joselito at isa pang di nakikilalang lalaki.
Bigla na lamang umanong hinawakan ng mga akusado ang magkabilang kamay ng biktima at pinagsasaksak.
Matapos saksakin ang biktima, agad namang tumakas ang mga suspek subalit agad ding naaresto si Leopoldo.
Inatasan din ng korte ang akusado na bayaran ang kaanak ng biktima ng halagang P100,000 para sa civil indemnity at danyos. (Ulat ni Doris Franche)