^

Metro

Civilian employee ng Phil. Army hinatulan ng habambuhay

-
Hinatulan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating civilian employee ng Philippine Army dahil sa pagpatay sa kapitbahay ng kanyang kapatid apat na taon na ang nakalilipas.

Batay sa desisyon ni Judge Teodoro Bay, napatunayan sa kasong murder ang akusadong si Leopoldo Conlu, dating nakatalaga sa 3rd Scout Ranger Company, First Ranger Regiment ng Phil. Army.

Ayon sa rekord ng korte, ang insidente ay naganap noong gabi ng Enero 31, 1997 sa kahabaan ng Adarna Extension, Brgy. Commonwealth, Q.C. na kung saan pinagsasaksak ang biktimang si Edito Sanchez.

Bago naganap ang insidente, nag-uusap umano sa naturang lugar ang biktima, ang kanyang asawa, isang nagngangalang Roberto Julian at Vilma Conlu, hipag ng akusado, hinggil sa umano’y pag-ihi sa pader ng bahay ng biktima ng isang bisita ng mga Conlu.

Habang nag-uusap ang mga ito, biglang dumating ang akusado kasama ang kanyang kapatid na si Joselito at isa pang di nakikilalang lalaki.

Bigla na lamang umanong hinawakan ng mga akusado ang magkabilang kamay ng biktima at pinagsasaksak.

Matapos saksakin ang biktima, agad namang tumakas ang mga suspek subalit agad ding naaresto si Leopoldo.

Inatasan din ng korte ang akusado na bayaran ang kaanak ng biktima ng halagang P100,000 para sa civil indemnity at danyos. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ADARNA EXTENSION

DORIS FRANCHE

EDITO SANCHEZ

FIRST RANGER REGIMENT

JUDGE TEODORO BAY

LEOPOLDO CONLU

PHILIPPINE ARMY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROBERTO JULIAN

SCOUT RANGER COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with