Suspect sa Hayashi murder 'fall guy'?
July 28, 2001 | 12:00am
Isa umanong fall guy ang dinakip na suspect na pumaslang sa international musician na si Tadao Hayashi.
Ito ang napag-alaman matapos na aminin ng pamunuan ng Caloocan police na hindi pa nila kinokonsidera na lutas na o sarado na ang kasong pagpaslang kay Hayashi matapos madakip ang itinuturing na prime suspect na si Alex Ilagan, 32, na umaming ka-relasyon ng nasawi.
Samantala, isa rin sa patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ay ang personal assistant ni Hayashi na si Antonio Clet na siyang naging tagapagmana ng biktima sa lahat ng kanyang ari-arian kabilang ang kanyang bahay sa LD Village sa Tala na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Handa namang tumestigo sa korte ang magkapatid na sina Gally, 24, at Gaudi Umali, pinsan ng suspect upang patunayan umano na fall guy ang dinakip na si Ilagan dahil sa magkakasama umano silang tatlo simula noong Linggo hanggang Martes na gumagawa ng bahay ng kanilang tiyuhin na si Al Umali sa Las Piñas. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended