^

Metro

Law graduate binoga, napatay ng sekyu ng Isetann

-
Nauwi sa wala ang pangarap ng isang 27-anyos na Bicolano na maging isang mahusay na abogado makaraang barilin ito ng shotgun ng isang security guard, kahapon ng madaling-araw sa Recto Avenue, Manila.

Ang biktima ay nakilalang si Rolly Arias, bar reviewer ng San Sebastian College, tubong Bicol at pansamantalang naninirahan sa MV de los Santos, Sampaloc, Manila.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Francisco Sumbello, chief security ng Isetann Department Store.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Benito Cabatbat, nabatid na sinita ng suspect ang biktima at mga kasamahan nito habang nakaupo sa hagdan ng nasabing mall.

Dahil sa sarado na ang mall ay pinilit ng suspect at ng isa pang kasama nito na nakilala lamang sa apelyidong Favio ang grupo ng biktima na umalis na sa naturang lugar.

Nakiusap naman ang biktima at sinabi na nag-aabang lamang sila ng sasakyan at nakikiupo lamang sa naturang lugar.

Nabatid na lumapit sa biktima ang suspect tangan ang isang shotgun na inumang sa tiyang bahagi ng biktima at binirong babarilin ito kapag hindi umalis sa hagdan.

Muling nakiusap ang biktima at sinabing sandali lamang at uuwi na siya, pero giniit ng suspect ang pagpapaalis dito habang nakatutok ang shotgun. Ilang sandali pa ay narinig ang isang malakas na putok hanggang sa makitang duguang bumagsak ang biktima.

Sa halip umano na dalhin sa pagamutan ang biktima ay inipitan pa ito ng patalim sa kanyang pantalon para palabasin na holdaper ito at nanlaban.

Gayunman, mabilis pa ring tumakas ang suspect na siya ngayong target ng operasyon ng pulisya. (Ulat ng pulisya)

BENITO CABATBAT

BICOL

BICOLANO

BIKTIMA

DAHIL

FRANCISCO SUMBELLO

ISETANN DEPARTMENT STORE

RECTO AVENUE

ROLLY ARIAS

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with